Dear 2015

December 31, 2015

Saitama City, Japan

         That was amazingly fast.

        Before I begin my musing over the last 365 days of 2015, I would like to thank everyone who played a great part in my life. It wouldn’t be remarkable and crazy without YOU in it, and honestly it would be extraordinary if you will still join me on my next chapter…

Let’s continue to be a part of each other’s lives.


Thank You…

for continually sharing the ‘gift of life’

for all the joy and laughter you brought into my life

for all the precious time I shared with my loved ones regardless of hectic schedule

for all the surprises You showed me

for all the resources we’ve got to survive every single day

for all the friends I gained despite the storm

for all the chances I had to make things better

for all the strength to carry on

for all the determination to continue my passion

for all the pain I had to go thru to be who I am today

for all the tears I released to ease the agony

for everything

        I am not in control of everything that has been happening in my life, but I am grateful on how my choices in life turned out. I had to deal with tons of constant and consecutive changes but nothing beats the joy of living with my own family.

       Looking back to the first six months of 2015, I was merely enjoying going to different places in the Philippines, while attending few training related to nursing. I was trying to go back to my first love with no rush. It brought so much pain and confusion when you already know what you like to do but the odds seems to be unlikely. It was always a tough battle going back to where I was but I kept on moving. Little did I know, I am already changing path. I guess I was enjoying too much to notice the shift in my world.

January – June of 2015 (Philippines)

        However, life keeps on challenging me. I was myself before I sleep but I woke up broken and tormented. My thoughts were eating me up and my eyes were drowning. I cried for help but no one heard me, I am not even sure if my voice came out. Just like other relationships, mine was not perfect and we had a lot of misunderstanding. People didn’t have to know everything about us. Whenever life check on me, I pray  and forgive.

“It sounds foolish to others, but I still believe that a person can change and that a person can be renewed.”

         Life can be ironic but still it can be kind and I am back with my family since July 1st of 2015. I can’t imagine how it all happened so quickly, from changing homes to adjusting in a new environment.

        I woke up no longer in my room but beside the person who carried me in her womb for nine months – my Mother. I am safe here, I always thought. As I stayed longer, I am getting used to new faces, fresh vicinity, changing seasons and in a country where language is totally different.


      Not everyone knew that I had to risk all comfort in my first home – Philippines. I lived there for the past twenty three years of my life – since birth, to attending schools from kinder to college, building lifetime friendships, experiencing my first love and numerous heartbreaks and countless mishaps along the road.

        It’s where I started my everything but I am partly wrong… I am missing the chance of being with the important people in my life… I have accepted the changes wholeheartedly for it is my personal choice – to be with my own constants thru the good and the bad, under one roof. 

        They say I am lucky to be here, but I would rather say blessed. I am not here just to wander around.  Just like other adult, I have to work my ass off and do the things I am supposed to be doing at this age. I am honestly too lax about the life I have, or maybe I am too contented with what is already in front of me. And yes, I believe that everything too much is not good in the long run.

July – December of 2015 (Japan)

        Everyday I tell myself that I wanted to DO MORE and BE MORE. I am very close to being certain that I am not born to do little so I engage in a lot of activities. I exhaust skills I can improve and I woke up every single day to learn something new and fun. I like to spend my twenty four hours doing the things that matter to me, the things I love. 

        Have you ask yourself, what do you really want?

      Well for me, I love sleeping or watching movies/series, crawled up in bed while munching Cheetos and drinking soda. I really do and I can actually cancel a date for this but it is not the life I wanted for the next twenty or thirty years of my life. It might be worth it for a short period of time, but “being more” is what  keeps me going so I resorted to start doing productive activities that nourishes me as an individual (aside from paying job) – I write what I want. I write what interests me. I write bits and pieces of my journey. I write my own story.

        One word, One sentence, One phrase will go a long way… So I kept my pen and paper ready most of the time to take every chance to TRY and TRY again.

Birth of my newest ‘Baby’

        For I know that someday I will have my own family and I want my kids and grandchildren to know how life can be wonderful and tricky at the same time. Our old memories doesn’t need to be perfect, but we can start making it remarkable. 

        Just like everyone in this world, I made mistakes and I had my struggles too but my perspective is always brighter just like the sun, shinier in the dark like the stars…

         Our environment is already a world full of whiners, check the social media and it is pretty obvious. Instead of focusing your energy on the things that annoys you; focus on the things that matters to you. Start doing the things you wanted without compromising your career and relationships.

        I learned not to get tired of making myself better…so should you.




I’m back on Twitter!

After one year of hibernating from the Twitter world, finally I”M BACK!

I was supposed to use the “Life and Misadventures of Aki”, however, username cannot be longer than 15 characters. I decided to use my old Tumblr account name instead, @AkiTheWanderess.


Follow me at!


A.D.I. ♥

Pag-Ibig Eh?

Nabilang mo na ba ilang beses ka nagpakatanga, este nagmahal?

Ako, madaming beses na sa iba’t ibang tao. Kasabay nang pagmamahal ay ang mga karanasang kaakibat nito.

Saya. Galak. Kaba. Sakit. Panibugho. Panlulumo.

Pangungulila. Pagkamatay at Muling pagkabuhay.

Aaminin kong masarap magmahal. Dahil alam kong bukod sa pamilya at tunay kong kaibigan, may isang tao na tanggap ako sa kabila ng aking mga kahinaan. Wala pa akong disiotso, naipagtirik ko na ito ng kandila. Natatawa ako at turo pa sa akin ito ng Lola ko. Isang araw, magmamahal ako at magkakaroon ng sariling pamilya.

Hindi ako ipokrita para ikaila ang saya at sakit na naidulot ng PAG-IBIG.

Nanuod ka na ba ng sine, tapos nakita mo ‘yung sarili mo sa karakter na nasa harap mo? Di mo mapigilang umiyak. Masaklap, wala kang tissue o panyo pamunas pero may kaibigan kang kasama handang pakinggan ang bawat hagulgol mo.

Kaya eto ipapakilala ko sa’yo ang mga naging bida ng buhay ko.

PS. Tandaan, na bawat pahayag ay nasa nakaraang panahunan. Sa wikang ingles, PAST TENSE. Salamat. 🙂

1. Si Popoy, One More Chance (2007).

                             Mga linya ni Popoy.

Alam kong hindi mo siya nakakalimutan. Kagaya ni Basha, umibig ako sa lalaking mahal ko, at ganun din siya sa akin. Sabay kaming lumaban sa hamon ng buhay. Kinilig sa sulat kamay na liham at bulaklak. Nagselos sa matalik na kaibigan. Mga normal na bagay na nangyayari sa isang relasyon, away bati. Mga eksenang nagpa “tatag” ng relasyon.

Pero isang araw, nagkasakalan na kami ni Popoy. Dapat ganun, dapat ganyan. Bawal yan, bawal yun. Ang tama ay ang dikta ni Popoy. Dumating ang araw na nagkaroon ako ng lakas para kumalas. Nagising ako sa katotohanang hindi na ito ang gusto ko.

Huwag mo sabihin sakin na basta basta akong bumitaw. Masyado na naming nasaktan ang isa’t isa. Madami nang nadamay, pamilya namin at mga malalapit na kaibigan.

Naalala ko na umiiyak ako noon sa harap ng ibang tao at para akong pinapatay sa unang pagkakataon. Kagaya din ni Basha, itinuon ko na lamang ang buhay ko sa pag abot ng aking mga pangarap at oo umabot ako sa hairstyle ni Bash. Ibinalik ko yung nawalang tiwala ko sa sarili ko. Bumangon ako at piniling sumabay sa agos ng buhay.

May sequel daw ang One More Chance, pero hindi ang amin. Lumipas din ang taon, madaming kuro kuro na mahal pa ako ni Popoy. Pero sabi ko tama na. Hindi na ako yung taong minahal niya noon. Madami nang nabago.

                                  Wag kang susuko.

2. Si Marco. Starting Over Again (2014)

Sino ba naman ako para hindi siya magustuhan? Isa siyang instructor/IT kung saan ako nag aaral.

May isang taon pa ako bago magtapos ng kolehiyo, mabilis ang mga pangyayari, nag click agad kami. Nakilala siya ng pamilya ko at mga malapit na kaibigan. Ganun din ako sakanya. May galak sa aking isip, lalo na pag alam kong magkikita kami sa school. Pag uupo ako sa kwartong iyon, at kukuha ng exam, alam ko may nakatingin sa akin. Siya na nga.

Araw araw kinikilig ako sa pang aasar ng mga klasmeyt ko. Feeling highschool.

Sa hindi inaasahang pangyayari, dumating ako sa araw na hindi siya ang nasa isip ko, kundi ang mga pangarap ko. Walang mali kay Marco, lagi siyang nagpapakumbaba sa bawat argumentong nabubuo sa gitna naming dalawa. Alam ko sa sarili kong mali ako, pero kaya niyang tanggapin yun para lamang sa ikatatahimik namin.

Naisip ko hindi ako karapat dapat para sakanya, kaya sinabi kong tama na. Inabot ko ng inabot ang mga pangarap ko, ang diploma at lisensya ko bilang nars.

             Alam ko, hindi mo kinaya itong eksena na ito.

Sinubukan bumalik ni Ginny, pero huli na ang lahat. Meron nang Patty sa buhay ni Marco. Binigyan ko nang karapatan si Marco magmahal ng iba. Nandiyan na si Patty, dahil sa akin. Hindi ako gumawa ng mga eksena, hinayaan ko na si Marco at Patty. Hindi rin ako handa sa mga posibleng katanungan ni Marco.

Wala kaming ‘second chance’. Tapos na kami pero hanggang ngayon hindi niya alam na kaya ako bumitaw ay dahil hindi ko makita ang kinabukasan namin.

Masakit pero totoo.

3. Si Anthony, That Thing Called Tadhan (2014).

Sigurado akong hindi naging kami ni Anthony, pero naging mahalaga siya sa akin.

 Tama o Mali?

Abalang abala ako sa gawain ko sa kolehiyo, bilang isang responsibilidad na estudyante at pinamumunuan ang isang komite. Kabi-kabila ang mga dapat gawin, pero nagiging madali lahat kasi tinutulungan ako ni Anthony. Lagi siyang nandiyan tuwing kailangan ko nang kasama, nang makakatulong sa akin.

Alam niyang hindi ako handa sa isang relasyon, pero nanatili siya sa tabi ko.

Hindi ako nang ‘friendzone’. Nakuntento nalang ako sa meron kami dahil alam kong kapag itinuloy ko nang hindi ako buo, mas masasaktan ko siya. 

Siya yung lalaking handang maging boyfriend mo. Lahat yata ng nakakakilig na gawain, sinubukan na niya. Pero hindi ako handa. Hindi ko kayang suklian lahat nang ibinigay niya.

4. Si Rico, English Only, Please (2014).

Wala kaming relasyon ni Rico kasi siya naman ang hindi handa. Grabe.

  May scoreboard?

Tere Madlangsakay po, at your service.


Yung eksenang tatanungin mo siya kung mahal ka niya, sagot niya “slight lang”. Letse. Meron bang ganun?

            Si Kean Cipriano, na laging user sa mga pelikula.

Binigay mo na lahat nang pang unawa at pagmamahal, pero di niya maibalik kasi hindi niya ko mahal.

Dito ako natauhan. Dito ko natutunan na kahit anong gawin mo pero kung hindi talaga para sa iyo, hindi para sa iyo.

Wag ipilit, masasaktan ka lalo. 

Saglit lang ito, wala pang dalawang buwan itinigil ko na. Yung binuo kong sarili, dinurog mo dahil hinayaan kitang maging parte ng sistema ko. Aray ko bh3. 

Ngayon kahit anong kontak ni Rico, natutunan ko na ang “The Art of Deadma”. 

5. Si Apollo, My Amnesia Girl (2010)

                                    Naalala mo na?

Sa dinami dami ng tao sa mundo, may isang naka laan para sa akin, para sayo, para sakanya.

Sa tuwing susubukan kong pumasok sa isang relasyon, lagi kong dinadasal na sana eto na.

Sana siya na.

Wag po tayong ampalaya, naniniwala ako sa ‘forever‘. May kaniya kaniya tayong pangarap at dasal.

Walang perpekto, kaya ilang beses akong nadapa bago ako umabot dito. Sa bawat sakit at lungkot na aking naramdaman, sigurado akong madami akong natutunan. Pero selosa padin ako. 

Pagkatapos ni Popoy, Marco, Anthony at Rico, ipinahinga ko muna ang puso at utak ko. Kailangan kong maghilom ng buo at bumangon.

Nakilala ko si Apollo sa isang di inaasahang pagkakataon, sa panahong hindi ako naghahanap ng pagibig. Masaya naman ako, pero nung dumating siya may kislap sa aking mata. Naks. Yung tipong may hinahanap ka lagi sa pagpasok mo sa trabaho. Ganern.

Nagpakipot ako. Nagsuplada. Umiwas.

Ngunit, malakas ang tama ko kay Apollo. ‘Para siyang ihi, hindi ko matiis’. Madami kaming napagkakasunduang mga bagay, at kung anu-ano pang ka kornihan. Hanggang isang araw nag isip akong aminin sa sarili ko na baka natatakot lang ako masaktan kaya ayaw ko siyang papasukin sa buhay ko.

Yun un.

Ang eksena nila Apollo sa pelikula yung kasal nila, sa akin naman yung araw na handa na akong umamin sakanya. Matagal ko na siyang minamahal.

Biglang nawala si Apollo. Iniwan niya ako. Nilayuan. 

Nadurog nanaman ako ng isang iglap. Ang sakit sakit, para akong pinapatay sa pangalawang pagkakataon. Kasi alam ko handa na ako magmahal ulit, pero hindi ibig sabihin handa na akong masaktan muli.

Gusto ko nanaman makalimot, pero biglang bumalik si Apollo. Madaming galit sakanya, pamilya, kaibigan at katrabaho ko. Galit ako sa sitwasyon namin, kasi magulo. Pero handa akong sumugal, at magpatawad.

Ilan lamang yun sa pagsubok ng aming relasyon. Walang perpekto, at may pagkakataon na hindi kami nagkakaunawaan.

Walang perpekto at wala ring kasiguraduhan sa mundong ibabaw.

Buo na ang loob ko at hindi na ako bibitaw sa taong mahal ko.

Ang buhay ay parang pelikula, may halong aral at kaakibat na drama. Iba iba man tayo ng reaksyon sa pag ibig, alam kong sa isang banda lahat tayo nagmahal at nasaktan.  Walang nagbibilang kung ilang beses ka nagmahal, nabigo, nadurog, ngunit lahat ng bagay may limitasyon. Walang magdidikta noon, kundi IKAW. 

Ang tunay na nagmamahal hindi takot masaktan.

Kung umabot ka sa parteng ito, Maraming Salamat sa pagbabasa! 

Nangyari na rin sayo ito? PS. Ipapadala ko na ba kay Ate Charo? ♥